Una sa Balita

Ika-2 signature shoe ni Romeo patok sa mga Eba

0 286

Tagumpay ang paglu­lunsad ng unang sapatos ng ngayo’y San Miguel Beerman star na si Terrence Romeo.

Hindi pa rin matawaran ang angking husay ni ‘The Bro’ pagdating sa basketball, kahit napadpad sa star-studded SMB, nakagpapasiklab pa rin, patunay ng 15.71 points, tig-2.86 rebounds at assists sa elims ng PBA Philippine Cup.

At dahil sa impresibo pa ring laro, hindi nag-atubili ang shoe brand na Peak na pagkalooban ng ika-2 shoe deal ang 27-anyos na manlalaro.

Sa kanyang Twitter account, pinasilip ni Romeo ang bagong disenyo ng tinaguriang ‘TR7 2.0’. Parehas ito ng nauna niyang kulay pulang sapalatos.

Pero kitang mas higit itong magaan. Kita na rin ang logo ng sapatos ng dating FEU Tamaraw guard, patotoong angat ang kanyang pangalan sa pro cage league.

“TR7 2.0 Prototype version from @peaksporthq @peaksportsph. Hindi pa to final pero sana tangkilikin nyo rin tulad ng pagtangkilik nyo sa TR7 1.0 Maraming Salamat sa lahat ng mga sumusuporta and sana abangan ung launching soon! God bless,” tweet ng basketbolistang naglaro na rin dating sa GlobalPort at TNT KaTropa.

Kahit prototype lang ay marami na ang nagtatanong sa sapatos, karamihan ay pinupuri ang disenyo nito at hiling na magkaroon ng women version para sa mga babaeng tagahanga ni Romeo. (Ray Mark Patriarca)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy