Una sa Balita

Iguodala wala talaga

By
0 976

Kumpirmado nang wala si Golden State forward Andre Iguodala sa Game 1 ng NBA Finals ngayon sa Oakland.

Hindi pa magaling ang bone bruise sa kaliwang tuhod dahilan ng pagkawala sa last four games ng Western Conference finals.

Kailangan si Iguodala ng Warriors, kailangan nila ng bruskong defender pampigil kay Cleveland superstar LeBron James. Ayon kay coach Steve Kerr, ilang players ang tatapikin niya para magsalitan kay James.

“He was MVP of the series in 2015, largely because he took that role on guarding Le­Bron. But also because of what he did offensively,” paha­yag ni Kerr sa kanyang defense specialist. “He’s doing a little bit better today. Some encoura­ging signs, but we have ruled him out for Game 1.”

Kaya magkakaroon ng pagkakataon sina Kevin Durant, Draymond Green, Klay Thompson at Shaun Livingston na magsalitan kay James. Si Kevon Looney ang pumalit kay Iguodala sa starting lineup.