Una sa Balita

Iguodala ‘missing link’ ng Warriors

By
0 520

Halatang ininda ng Golden State ang pag­kawala ng isa sa pinakamatibay nilang dumipensang si Andre Iguodala.

Wala si Iguodala (bruised left knee) sa Games 4 at 5, at dalawang sunod na natalo ang Warriors, huli 98-94, sa Houston Rockets nitong Huwebes.

Lubog ang Golden State 3-2 sa Western Conference finals, kailangan nila ang kalibre ni Iguodala para subukang itabla ang series at humirit ng deciding Game 7.

Pero hindi pa sigurado si Warriors Coach Steve Kerr kung maka­kabalik si Iguodala sa Game 6 sa Sabado sa Oakland.

“He’s dying to play, but he’s not healthy enough,” pahayag ni Kerr matapos ang ikalawang talo sa Game 5 ng series sapul noong 2015. “We’ll just continue­ to take it day to day.”

Sa Game 5 loss, apat na free throw ang isinalpak ni Stephen Curry para tablahan ang 378 ni Rick Barry na pinakamaraming free throw na naipasok sa playoffs sa prangkisa ng Golden State.