Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Igorota reyna sa poomsae

0 64

IPINAMALAS ng katutubong Pinay na si Juliana Mykahil Candelaria ang kanyang bagsik nang magrereyna kamakailan sa 2022 Goyang World Taekwondo Poomsae Championship na ginanap sa South Korea.

Bagaman bitbit ang koponan ng Amerika ng 14-anyos na si Candelaria, malugod pa rin nitong ikinararangal ang kanyang pinagmulang lahi ng mga katutubong Igorot kahit matagal nang nanirahan sa Tate.

“I am bilingual. I can speak fluent Tagalog and English,” pahayag ni Candelaria na nagsimulang sumabak sa taekwondo noong siya ay pitong taong gulang pa lamang.

Ipinanganak sa Illinois, USA si Candelaria sa kanyang mga magulang na sina Dennis at Janie na tubong-Baguio City at pawang mga public school teachers sa Benguet.

Ito ang unang pagkakataon na sumabak sa World Championship si Candelaria na bukod sa kanyang pagkapanalo ay nagbigay ng pagkakataon para siya ay makihalubilo sa Philippine Taekwondo Team sa pangunguna ng kanyang freestyle coach na si Jeordan Dominguez.

“I never underestimate the value of training because I will never underestimate the challenges that I will face. I am dreaming of becoming a taekwondo freestyle athlete in the future,” sambit pa ni Candelaria.

Kasalukuyang nasa number 1 rank ang batang si Candelaria sa USA sa world class cadet division. (Annie Abad)

Leave A Reply

Your email address will not be published.