Una sa Balita

Imbestigasyon sa hidden wealth ni Duterte hinarang ng SolGen

By
0 1,985

Iginiit ni Solicitor General Jose Calida na dapat nang ihinto ang anumang pagsisiyasat ng Senado kaugnay sa alegasyon na may tagong yaman si Pangulong ­Rodrigo Duterte.

Ayon kay Calida, isinara at tinapos na ng Office of the Ombudsman ang imbestigasyon kaugnay sa reklamong plunder na isinampa ni Senador Antonio Trillanes IV laban sa Pangulo.

Iprinisinta ni Calida sa mga mamamahayag ang isang liham na may petsang Pebrero 12, 2018 mula kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang, na nagsasabing isinara na ang kaso laban kay Pangulong Duterte noong Nobyembre 29, 2017.

Sinabi ni Calida na nalaman lang niya ito matapos na sumulat siya kay Carandang.

“Trillanes seeks another Se­nate hearing about his garbage evidence. The Senate should stop this investigation,” ayon kay Calida.

Dapat anyang kainin ni Trillanes ang kanyang mga ebidensiya na galing umano sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na may tatlong beses nang itinanggi ng ahensiya.