Una sa Balita

Ifugao vice mayor nawawala

0 293

PINAGHAHANAP ngayon ng mga awtoridad si Tinoc, Ifugao Vice Mayor Fernando W. Gapuz na naiulat na nawawala mula pa noong Biyernes ayon sa Tinoc Police Municipal Station (TMPS).

Sa ulat ng pulisya, huling nakita ang 56-anyos na bise alkalde dakong alas-siyete nang umaga noong Hul­yo 19 sa Barangay Impugong sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng TMPS na si Gapuz ay huling nakita na nakasuot ng black leather jacket, brown na sandals, brown na pantalon at dark yellow na alampay.

Sumakay umano ito sa isang pampasaherong bus at bumaba sa Abatan, Buguias pero simula noon ay hindi na nakita. Ayon sa TMPS, bukas ang kanilang himpilan sa sinumang makapagbibigay ng anumang impormas­yon hinggil sa kinaroroonan ng bise alkalde.

Ang TMPS ay matatawagan sa kanilang mobile phone na 0935-110-7168 para sa sinomang makapagbibigay ng impormasiyon hinggil kay Gapuz. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy