Una sa Balita

Ifugao student bumida sa UN youth conference

0 962

PINARANGALAN ang isang estu­dyante sa Ifugao bilang most outstanding delegate sa katatapos na Asia Youth International Model United Nations 2019 (AYIMUN) event sa Putrajaya International Convention Center sa Malaysia.

Masaya sa natanggap na award ang estudyanteng si Michach Dayag­ Salvador, mula sa Ifugao State University.

Nabatid na si Salvador na tubong Kiangan ay isa sa may 98 masuwerteng delegado na napili mula sa 35,214 aplikante.

Sa panayam kay Salvador ng isang lokal na istasyon ng telebis­yon, malaki ang naitulong sa kanya ng AYIMUN conference dahil nagkaroon siya ng karagdagang kaalaman na magagamit sa kanilang komunidad para makatulong sa kabataan.

Ang AYIMUN ay isang taunang kumperensiya ng mga kabataang lider sa buong mundo kung saan ang bawat isa sa kanila ay aaktong diplomat ng itatalaga sa kanilang bansa.

Si Salvador ay naitalagang maging diplomat ng Denmark at ibinigay sa kanya ang Myanmar Rohingya crisis para kanyang talakayin.

Ang tema ng AYIMUN 2019 na ‘Human Security in a Globalized World’ ng mga delegado mula sa 85 bansa sa buong mundo. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy