Una sa Balita

Idinemanda ng nadisgrasya

0 509

Dear Atty. Claire,

Bago po ang lahat ako poy nagpapasalamat sa inyong kasagutan sa aking u­nang liham.

At sa pangalawang pagkakataon ako poy lumalapit ulit sa inyo upang magkaroon ng karagdagang kaalaman.

Sa ngayon po ay nagdemanda na po ang nadisgrasiya at gusto po naming mailabas ang sasakyan. Ano-ano po ba ang dapat naming gawin upang mailabas po ang sasakyan para maipagawa na po ito sa lalong madaling panahon?

Mailalabas po ba namin ang sasakyan gayong lumalakad na po ang kaso?

Sana po’y matugunan niyo ulit ang aming katanungan. Maraming salamat po at patnuba­yan kayo ng panginoon.

Regards,
Eduardo

Eduardo,

Maraming salamat din po sa muling pagsulat dahil nalaman po namin na kami po ay nakakatulong sa abot ng aming kakayanan.

Sa pangalawang problema ninyo kung saan involved ang isang sasakyan kaya iniisip ko na ito ay sangkot sa isang bangaan o may nadisgrasyang nasaga­saan na indibidwal.

Maaari naman po ninyo itong ipa-release sa pamamagitan ng pag-file ng isang Motion kung saan ay hihi­lingin mo na magsagawa muna ng occular inspection ng sasakyan  upang ma-record na ng korte ang sitwasyon ng sasakyan at saka mo hilingin na payagang ma-release upang mapagawa na ito.

Maaari rin naman na ipa-admit na lamang sa kalaban ang sitwasyon ng sasakyan ayon sa naging report ng nag-imbestiga na malamang na nakasumite naman sa korte at saka mo hilingin na mailabas na ang sasakyan.para mapagawa.

Kapag ang isang gamit na involved sa isang aksidente ay dinidinig na ng korte ay hindi mo na magagalaw ito nang walang pahintulot ang korte.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o mag-email sa.attorneyclaire@gmail.com2

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy