Una sa Balita

Ideklarang persona non-grata Koko tinawag na oligarch ang dayuhang Angkas boss

0 414

Hinikayat ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang Senado na ideklara si Angkas chief executive officer Angeline Tham bilang persona non grata matapos madiskubreng siya ang nagtulak na magkaroon ng ‘indignation rally’ noong Dis­yembre 22 na nagresulta sa pagpaparalisa ng trapik sa Metro Manila.

Sa Senate Resolution 287, pinaiimbes­tigahan din ni Pimentel ang ‘right-handed,­ arrogant and irresponsible acts’ ng nasabing Angkas chief.
“Tham is merely a guest of our country, yet she is already acting like an oligarch which she seems hell-bent on becoming at our expense,” pahayag ni Pimentel sa kanyang resolusyon.

“Her acts of deriding our sovereign laws is high-handed, arrogant and irres­ponsible, which should not be countenanced but condemned to the fullest,” dagdag pa nito.

Ang tinutukoy ni Pimentel ay ang nangyaring rally ng Angkas noong Disyem­bre 22 kung saan libong motorcycle­ driver ang nagtipon-tipon sa People Power Monu­ment­ para iprotesta ang desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board’s (LTFRB) na bigyan ng 10,000 driver ang Angkas, ang pinakamalaking motorcycle-hailing app sa bansa.

Binanggit pa ni Pimentel ang naging­ paglabag ng Angkas sa batas kabilang­ ang diumano’y 40-percent foreign owner­ship cap na itinatadhana ng Sali­gang Batas.

“Tham, a Singaporean, owns P9.8 million in subscribed shares or 99.996 percent of the company,” ayon kay Pimen­tel.

Sa dokumentong inihain ng Angkas sa Securities and Exchange Commission (SEC), sinabi ni Pimentel na nakasaad doon na mag-o-operate sila hindi bilang public utility.

Nauna nang inendorso ni Pimentel ang isang pang motorcycle-hailing app na JoyRide sa Department of Transportation para mapigilan ang monopoly ng motor­cycle taxi industry sa bansa. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More