Una sa Balita

ID system sa OFWs ilulunsad ng DOLE

By
0 108

Ilulunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagkakaroon ng identification card para sa OFWs o overseas Filipino workers sa susunod na linggo.

Ito ang inanunsyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III itong Martes kunsaan ang naturang ID ay tatawaging ID ng Department of Labor and Employment o iDOLE.

Ang paglulunsad ay gagawin sa July 12 sa Malacañang.

Libreng makukuha ang iDOLE sa POEA (Philippine Overseas Employment Administration) kapalit ng overseas employment certificates (OEC) ng mga Pinoy abroad. 

“All we need is iyong inventory of all the bonafide OFWs on the basis of which our POEA, in conjunction with the Department of Labor, will start processing the IDs,” ani Bello. “Hindi na kailangan mag-apply. If you are an OFW, bibigyan ka na kasi nandoon ka na sa roster ng OFWs, so they will start processing your ID and we will give it to you.”

Inaasahang sa katapusan ng Hulyo ay walang nang OEC dahil sa iDOLE.

Ipinagmalaki rin ng ahensya na magagamit ang iDOLE sa PagIBIG, SSS, at PhilHealth. Samantala, kasalukuyang pinag-aaralan pa sa ngayon kung maaaring gawin itong alternatibong pasaporte.

Masaya ring ibinalita ng kalihim na mabubuksan na ang OFW bank sa Oktubre ngayong taon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy