Una sa Balita

ICF prexy positibo sa coronavirus

0 360

NAGPOSITIBO ang pangulo ng International Canoe Federation (ICF) na si Jose Perurena Lopez ng Spain sa COVID-19.

Dinala sa isang opital sa Madrid ang 74-anyos na lider matapos mahawahan ng coronavirus, ayon pahayag ng world canoe governing body.

Ito ay isa sa mahigit na 65,000 kumpirmadong kaso ng coroinavirus disease sa nasabing bansa.

Mahigit sa 5,000 Kastila na ang mga namatay sa COVID-19, ikalawa sa bilang ng mga namatay sa nangungunang Italy.

Nagsisilbi rin si Lopez bilang presidente ng International World Games Association (IWGA), na nakatakdang mag-host ng 11th World Games 2021 sa Birmingham, Alabama.

Nakatakdang magkaroon ng bagong pangulo ang ICF ngayong taon matapos ihayag ni Lopez na nais na niiyang iwanan ang puwesto.

Unang namatay si dating Real Madrid President Lorenzo Sanz sa Madrid dahil sa COVID-19.

Dati ring International Olympic Committee (IOC) member si Lopez, perobitiw noong Disyembre.

Ang iba pang European sports personality na nagpositibo sa COVID-19 ay sina Albertville 1992 co-president Michel Barnier at Prince Albert II ng Monaco, na nag-Winter Olympics sa bobsleigh limang beses at isa ring kasapi ng IOC.

Wala pa namang naiuulat na mga personahe sa sports sa bansa na nagpositibo sa coronavirus. (Lito Oredo)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More