Una sa Balita

Ice cream b-day gift ni Putin kay Xi

0 254

ISANG higanteng kahon ng ice cream ang iniregalo ni Russian President Vladimir Putin sa 66th birthday ng kanyang Chinese counterpart na si Xi Jinping.

Iginawad ni Putin ang regalo kay Xi bago idaos ang summit sa Tajikistan noong Sabado.

“Happy birthday, my best wishes… I am delighted to have a friend like you,” mensahe ni Putin kay Xi ayon sa ulat ng Kremlin website.

Nagtagpo ang 2 lider ng makapangyarihang bansa sa Tajik capital Dushanbe para sa 5th summit ng Confe­rence on Interaction and Confidence Buil­ding Measures in Asia (CICA) na dinaluhan din ng mga delegado mula sa 27 bansa kabilang ang Iran at Qatar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy