Una sa Balita

ICC prosecutor, ‘di maaaring arestuhin sa ‘Pinas — Risa

By
0 4,163

NANINDIGAN si Senador Risa Hontiveros na hindi maaaring ipaaaresto ang prosecutor ng International Criminal Court (ICC) sa sandaling dumating ito sa Pilipinas.

Nagtataka ang senador kung bakit ipaaresto si ICC prosecutor Fatou Bensouda gayung wala naman itong kinakaharap na kaso sa bansa.

“Arrest Internatio­nal Criminal Court (ICC) prosecutor Fatou Bensouda? Why, is she accused and guilty of high crimes? Is she involved in the systemic and large-scale killing of people? Did she made numerous public statements in favor of extrajudicial kil­lings? Did she influence and command state security forces to inflict unjust and extreme violence against the public? Did she shield extrajudicial killers from calls of justice and accountability?” tanong ng mambabatas.

Ginawa ni Hontiveros ang pahayag matapos magbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ipaaaresto niya si Bensouda kapag pumunta sa bansa.

May nakabinbin na kasong crimes against humanity sa ICC si Pangulong Duterte na isinampa ni Senador Antonio Trillanes IV.

“If the President thinks he is innocent of the accusations, then there is nothing to fear,” giit ni Hontiveros.
Iginiit pa ng senador na hindi maaaring ipag-utos ni Pangulo ang pag-aresto dahil ang mga hukom lamang ang maaring gumawa nito.

“The President has no power to issue ‘Executive warrants.’ They ceased to exist when we toppled the Marcos dictatorship,” dagdag ng mambabatas.

Sa panig ni Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV, ipinakikita lamang anya ni Pangulong Duterte na duwag ito sa isinasagawang imbestigasyon ng ICC.

“Maliwanag dito na takot na takot si Mr. Duterte sa kaso niya sa ICC, luma­labas dyan na duwag siya, hirap dito, nagsiga-siga siya pinapatay nya mga pinoy, 20,000 na ang namamatay,” giit ni Trillanes.