Una sa Balita

IBP umalma kay Espenido na natuwa sa pagpatay kay Ungab

By
0 3,166

Kinastigo ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) – Eastern Visayas chapter, si da­ting Albuera, Leyte police head, Chief Insp. Jovie Espenido dahil sa paha­yag nitong masaya siya sa pagkakapatay sa ambus ng abugado ni self-confessed drug lord Kerwin Espinosa.

Inalmahan ni Atty. Elaine Bathan, immediate governor ng IBP-Eastern Visayas, ang pahayag ni Espenido sa Cebu Dail News noong Martes na masaya siya at napatay si Atty. Jonnah John Ungab dahil pinagbabayaran umano nito ang pagkakasangkot sa illegal drug trade.

Minsan nang naghain ng reklamo si Espenido laban kay Ungab subalit dinismis lang ang kanyang kaso.

“Regardless of the situation, I don’t think it is right to rejoice in the death of somebody. No person has the right to rejoice over someone’s death. We are better than that,”diin ni Bathan.

Si Ungab, vice-mayor din ng bayan ng Ronda, ay pinatay noong Lunes habang nasa loob ng sasakyan sa Cebu. Dala­wang hindi pa nakikilalang kalalakihan ang sinasabing tumira sa abugado ni Espinosa.

Naglabas din ng opisyal na pahayag ang IBP Cebu Chapter laban sa pahayag ni Espenido.

“The IBP Cebu City Chapter relays its utmost disappointment and vehement condemnation on the statement reported by the Cebu Daily News on Chief Insp. Jovie Espenido being ‘happy over the death of Atty. Jonnah John Ungab­ and accused him of being Kerwin Espinosa’s partner in illegal drugs.”ayon sa IBP.

“These words uttered by a police officer do not deserve a place in civilized society. You cannot continue besmirching a man’s name and reputation further to the abyss especially when that man has no more place to defend himself into; when he passed on to the next life; more so, when he left a wife and six young children defenseless,” dagdag pa nila.

Sa ngayon, wala pa umanong isinasampang kaso ng pagkakasangkot sa iligal na droga laban kay Ungab.
Si Espenido ay hepe na ngayon ng Ozamiz City police at responsible sa pagkamatay ng alkalde doon na si Reynaldo Parojinog. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More