Una sa Balita

IBP ‘di makikialam sa pagtokhang sa mga abogado

By
0 324

TINIYAK kahapon ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na hindi sila makikialam sa anumang lehitimong anti-illegal drug operation na isasagawa ng mga awtoridad laban sa mga judge, government prosecutor at abogado na mapapatunayang sangkot sa operasyon ng iligal na droga.

“The malefactors may also be held administratively liable for misconduct, and must be proceeded against before the Integrated Bar of the Philippines, the Department of Justice, or the Supreme Court, as the case may be,” ayon kay IBP president Abdeil Dan Elijah Fajardo sa isang kalatas.

Inilabas ito ni Fajardo bilang tugon sa alegasyon ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) na may mga hukom at prosecutor na nasa illegal drugs watch-list.

Gayunman, sinabi ni Fajardo na dapat na maging maingat ang PDEA sa paglalahad ng mga pangalan dahil may mga judge at prosecutor na nag-absuwelto ng mga akusado sa iligal na droga dahil sa kakulangan ng ebidensiya o ‘di kaya ay nilabag ang kanilang Constitutional rights.

Magugunita na kamakailan ay pina­ngalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 46 politiko na umano ay nasa narco-list na kinabibila­ngan ng 35 alkalde, pitong vice mayor, at isang provincial board member, at tatlong mambabatas.

Sinampahan na rin ng Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) ng reklamong administratibo ang mga natu­rang narco-politician sa Office of the Ombudsman.

Gayunman, sinabi ni PDEA chief Aaron Aquino na kasama rin sa drug list ang ilang hukom, prosecutors, celebrities at mga miyembro ng media.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy