Una sa Balita

Iboykot ang ‘Abominable’

0 370

Dear Abante:

Binuhay ng pelikulang ‘Abominable’ ang aking pagi­ging makabayan at Pilipino. Ipinipilit na naman ng China sa pamamagitan ng pelikulang ito ang ‘self-declared’ na nine-dash line ng China sa West Philippine Sea na pagmamay-ari ng Pilipinas. Nakakapang-init pa ng dugo dahil tinanggal mismo nila sa mapa ang bahagi ng Visayas at ang buong Mindanao. Para sa akin ay isang malaking panloloko at kabanlintunaan itong ginawa ng Dreamworks at Pearl Studio na Chinese company.

Kunsabagay ay hindi na rin naman nakapagtataka dahil Intsik nga ang producer kaya ipipilit nila ang pag-angkin sa ‘di naman nila pag-aari. Pero hindi ibig sabihin nito na wala tayong magagawa bilang mga Pinoy at mo­viegoer. Puwede tayong maging solid na manawagan sa ating pamahalaan sa DFA at MTRCB na huwag ipalabas sa mga sinehan ang pelikulang ito.

I-boycott din natin itong ‘Abominable’. Ipakita natin na kalapastanganan sa ating mga Pilipino ang ginawa nilang pagtanggal sa mapa ng ating bansa, ang Visyas at Mindanao area. Kung nagawa ng Vietnam na i-pull out ang pelikulang ito, magagawa rin natin. ‘Wag natin itong suportahan.

Grace Alonte-Carpio

ReplyForward

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy