Una sa Balita

IBON Foundation duda sa pangungutang ng Pinas sa China

By
0 567

Kaduda-duda na ang pinapasok na transaksyon ng administrasyong Duterte dahil sa ‘eargerness’ nitong kumalap ng pondo para sa Build, build, build program.

Sabi ng IBON Foundation, umaasa ang administrasyong Duterteng makakuha ng suporta sa China para sa P738 bilyong infrastructure projects nito, halos kalahati ng P1.5 trilyong flagship projects nito na nasa Build program.

Ayon sa IBON, isa sa mga kondisyon ng China sa mga bansang pinapautang nito na hindi dapat mapapasailalim ng batas ng Pilipinas ang mga kasunduan at hindi rin ito dapat transparent o nasisilip ng publiko.

“…Another lopsi­ded condition in China loans is requiring that the agreement as well as the rights and obligations of both parties be put beyond the scope of Philippine laws and transpa­rency in the public domain,” sabi ng IBON.

Pag may hindi pagkakaintindihan o alitan sa mga napirmahang kontrata sa pamahalaan ng China, nais nitong ang China International Economic and Trade Arbitration Commission ito aa­yusin, sabi ng IBON.

Higit na nakakatakot sa mga kondisyon na ipinapataw ng China sa ‘tulong’ nito ay tila bibitawan na ng bansang tatanggap ng salapi nito ang kasarinlan nito.

Sabi ng IBON, nakakabahala ang pagpa­yag ng administrasyong Duterte na isuko agad ang teritoryo ng Pilipinas tulad ng West Philippine Sea para lang makautang at makakuha ng investments mula sa China. Kapansin-pansin din ang kagustuhan ng administras­yong Duterte na mapasama sa Belt and Road Initia­tive ng China sa pamamagitan ng pagbibigay dito sa mahahalagang infrastructure projects kapalit ng pagkakampi sa China pagdating sa usapin ng pinagaagawang te­ritoryo sa karagatan.

Sa ngayon, wala pa sa kalingkingan ang investments ng China sa Pilipinas kumpara sa mga investment ng Japan at Estados Unidos.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy