Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ibigay ang boto sa may napatunayan

0 167

Maraming politiko ang nabubuhay talaga kapag eleksiyon. Halos sa buong bahagi ng ating bansa ay nauuso ito.

Ang nakakatawa mayroong pang mga sobrang tanda na pero gusto pang sumabak sa politika sa kagustuhan lamang mapanatiling nasa poder ang angkan.

Kaya sa mga botante maging matalino na tayo. Kung alam naman nating wala silang kakayahang maglingkod huwag na silang iboto doon tayo sa may napatunayan dahil tiyak na mas magandang serbisyo ang hatid nito sa inyo.

Katulad na lamang ni Botolan Mayor Bing Maniquiz na tumatakbo ngayong kongresista sa 2nd District ng Zambales. Napakaganda ng ginawa nya sa Botolan kaya bentahe ito pagsabak niya sa darating na halalan.

Sabi-sabi ng mga nakakausap natin sa Botolan, mas malaking tulong daw ang magagawa ni Mayor Bing ‘pag naging congresswoman lalo na sa kapakanan ng mga katutubong Aeta na matagal nakaligtaan sa pamamagitan ng pag-akda ng mga kapaki-pakinabang na batas.

***

Hindi na talaga maawat ang pangarap ni Mike Defensor na maging alkalde ng Quezon City.

Sa isang banda, demokratikong bansa naman tayo, mayroon tayong kalayaan. Lahat ng gusto nating pangarapin ay magagawa natin.

Related Posts

Ang tanong natin kay Mike, dati naman siyang district 3 representative ng QC pero bakit mas ginusto niyang lumikha ng AnaKalusugan partylist para maging kinatawan ng health sector na wala namang kinalaman sa expertise niya bilang nickel magnate.

Baka naman totoo ang usap-usapan sa district 3 na wala naman siyang nagawa doon sa tagal niyang naging congresman sa area kaya wala na siyang mukhang maiharap sa mga residente doon?

Bukod sa paulit-ulit na termino ng district 3 representative, naging national official din si Mike. Bago naging DENR secretary, naging Chief of Staff pa siya sa Palasyo at spokesman ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Pero ang tanong ng kanyang mga taga-distrito, bakit ang naipagawa lamang niyang proyekto ay arkong bato na nakaukit pa ang pangalangang Mike Defensor sa mga boundary ng distrito?

Kaya sa tagal ng hindi pagpaparamdam ni Mike sa QC ay malamang nagulat na lamang siya may Stage 3 na pala ang Skyway at nag-boom na pala ang ekonomiya ng lungsod.

Baka lang hindi pa rin nito alam na may ginagawa na ring Metro Manila subway ngayon na ang ilang istasyon ay itatayo sa Quezon City.

Iyon ang problema sa ibang politiko, kapag nakitang inayos na ng iba ang kanyang lugar na wala siyang pinagpaguran, bigla na lang tatayo sa entablado at sisigaw na gusto niyang ituloy ang pag-asenso ng lungsod. May sigaw pa ng palalayain ang QC.

Nagulat lang tayo may mga poster na sila Mike ng Malayang QC mula sa ilang dekadang hindi pagpaparamdam sa lungsod dahil sa negosyo at iba pang personal nitong interes, well.

Leave A Reply

Your email address will not be published.