Una sa Balita

Ibigay ang baril, ‘wag isangla!

By
0 17

Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo na huwag isangla ang ibinigay na baril sa mga ito.

Bawat sundalo ay binigyan ng Pangulo ng side arms para mayroong armas ang mga ito sa pag­labas sa kampo.

Doble naman ang baril na tinanggap ng mga sundalong nabigyan ng award sa mga ginawang paglilibot ni Pangulong Duterte sa iba’t ibang kampo militar sa bansa.

“Do not be offended. Alam ko nangyayari ‘yan eh. Puwede ba kung isang­la ninyo, dito na lang sa akin. ‘Wag sa ibang tao ha? Padala mo lang doon. Sabihin no sa Commanding Officer mo.. sir, iprenda ko muna ito kay..,” ang pahayag ng Pangulo.

Bawat baril na ipi­namigay ng Pangulo ay may kasamang cellphone at calling card kung saan nakalagay ang kanyang contact number.

“If you have a problem, I give you my number. If you cannot solve your problem here or hindi ka­yang solbarin, just call me, maybe kaya kong solbarin. Kasi ako bilib ako sa serbisyo ninyo,” ang dagdag pa ng Pangulo.

Bukod sa pakiusap na huwag isangla ang ibinigay na baril, mahigpit din ang bilin ni Pangulong Duterte sa mga sundalo na laging magtira ng isang magazine ng bala at gamitin ito para barilin ang sarili kapag nasukol na ng mga kalaban partikular ang New People’s Army (NPA).