Iba’t ibang reaksyon sa ‘unli-Martial Law’

By , ,

Umani ng sari-saring reaksyon ang plano ni House Speaker Pantaleon `Bebot’ Alvarez na palawigin ang Martial Law sa Mindanao.

Ayon kina Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, handa itong suportahan ang pagpapalawig sa buhay ng Batas Militar sa kanilang rehiyon lalo na kung hindi agad madurog ang puwersa ng Maute at Abu Say­yaf Group, hindi lang sa Marawi City kundi sa iba pang lugar sa Mindanao.

“I will support any extension as long as there is still imminent threat of terrorism, rebellion and invasion perpetrated by ISIS (Islamic State of Iraq and Syria), Maute [Group] and Abu Say­yaf,” ani Barbers sa mga mamamahayag kahapon.

Pumalag naman si Senator Risa Hontiveros sa bantang ‘indefinite’ at Marcos copycat na uri ng Martial Law na idedekelara ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit ng senadora, walang unli-Martial Law sa ilalim ng Saligang Batas kung kaya’t hindi ito uubra.

Umapela naman si Manila Mayor Joseph Estrada sa publiko na magtiwala kay Pangulong Duterte dahil alam nito ang legalidad sa usapin ng Martial Law. 

SHARE