Una sa Balita

Iba’t ibang klaseng pamilya

0 567

Dear Dra. Holmes:

(shortened September 25 letter)

My son broke up with his live in gf of 10 years. Our family loves her so it felt like a divorce. She monitored my health during critical times of my illness, and we send each other FB messages, like each other’s posts.

My daughter says she herself wouldn’t like me to continue being friendly with her ex-boyfriend and I should consider my son’s feelings. If they were married and they had a separation, I would still be friends with her so what’s different? My son dates etc but doesn’t talk about his ­relationship.

Help!
Dee

Dear Dee:

Maraming salamat sa iyong sulat na una ­nating ­inilathala noong Setyembre 29, sinabi ko na si Fr. ­Bulatao ay kinumpirma ang pagluluto ng itlog ay ­maihahalintulad sa iba’t ibang pamilyang Pilipino.

Ayon kay Fr. Jaime Bulatao ang pamilyang ­hardboiled egg ay ang mga pamilyang sobrang independent. Ang kanilang mga gusto lamang ang kanilang iniisip o pinagtutuunan ng pansin. Kaya naman kung mayroon silang matagpuang na iba ang gusto sa kanilang gusto, gaya ng dalawang hardboiled egg ay hindi nila mabuksan ang kanilang puso, kasi sarado sila ganitong konsepto o ­naka-enclose ang kanilang shell.

Ang scrambled egg na pamilya ay kabaliktaran ng hardboiled egg. Masyadong malapit ang ugnayan nila sa mga isyu ng ibang tao sa pamilya, na kung minsan hindi nila maihiwalay ang pangangailangan nila sa pangangailangan ng pamilya nila. Mahirap ‘yun ­dahil kailangan nating malaman kung ano talaga ang ­ating pangangailangan. Kasi minsan may mga miyembro ng pamilya na gustong i-obliga para sa ­pangangailangan ng pamilya kaysa sa sarili mong pangarap. To be ­continued.

***

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes at sa TONITE tuwing Sabado at Linggo. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More