Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ibang liga, buksan na rin

0 195

TAGUMPAY na natapos na ang 1st Philippine National Volleyball Federation 2021 Champions League women’s division sa Lipa, Batangas noong Huwebes.

Nitong Lunes naman pumagitna ang men’s indoor side ng liga.

Isa ang men’s volley na matagal ang hinintay para makabalik mula nang magka-pandemya noong Marso 2020.

Ginanap ang Premier Volleyball League Open Conference noong Hulyo-Agosto sa Laoag, Ilocos Norte, pero hindi ang counterpart nilang Spiker’s Turf.

Makikitang gutom ang mga player sa PNVF event. Mula sa paghampas ng bola gigil. Naroon ang kasabikang muling makatapak ng playing venue.

Sumabak din ang ating women’s and men’s club team sa Asian Club Volleyball Championships sa Thailand noong Aug.-Oct.

Kung iisipin mga ka-Abante, dapat nang mabuksan ang Spiker’s Turf dahil ‘di lang mahal ito ng maraming balibolista. Bread and butter ng marami sa kanila ang ST. Nahinto ang trabaho nila sa pamamahinga ng liga dahil sa Covid-19.

Sana makita sa Champions League na puwede na talagang magbalik ang iba pang mga liga.

Pero ingat lang tayo dahil sa bagong Covid variant na Omicron.

Bukod dito mga ka-Abante, tuloy na rin ang opening ng 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors’ Cup sa Dec. 8 sa Pasig.

Yes may mga import na lalaro kaya natuwa’t masaya ang maraming cagé fan na matagal ding ‘di nakapanood ng reinforced conference. Sa lebel ng kompetisyon, excited sila.

Isa naman ang Magnolia ni coach Ercito ‘Chito’ Victolero na handa na sa season-ending reinforced conference.

Nag-bonding o team building ang Hotshots Pambansang Manok sa VFram ni coach nitong isang araw lang.

Kasama sa pagbuo ng team chemistry sina Russell Escoto, James Laput, at import Mike Harris.

Muli, patuloy po ninyong suportahan ang Sportalakan.

Salamat po. God bless! Ingat mga, Ka-Abante!

Leave A Reply

Your email address will not be published.