Una sa Balita

Ibang klaseng fighting spirit

By
0 486

IBANG klase talagang magbitiw ng patawa ang mga Amerikano.

Matapos talunin ng Magnolia ang Alaska sa Game 5 ng Governors’ Cup championship noong nakaraang Biyernes, sinabi ni coach Alex Compton na lalagyan niya ng pampadulas ang parte ng court kung saan na-shoot ni Paul Lee ang basket na siyang dahilan para maagaw ng Hotshots ang laro sa iskor na 79-78.

Masakit man ang naging pagkatalo, nagawa pang magbiro ni Compton.

At hindi lang ‘yun, naalala rin niya ang halos parehong tira ni Lee nang magharap sa kampeonato ang Alaska at Rain or Shine noong 2016 Commissioner’s Cup.

“I don’t know guys if you remember Game 2 versus Rain or Shine,” ani Compton. “That’s with Rob Dozier back when they beat us in the Finals. Paul hit a buzzer-beater in almost the exact spot.

“I will have to put something slippery on the floor for the endgame with Paul. He got that spot against us,” dagdag ni Compton.

Nakakabilib itong si Compton. Heto at nanganganib siyang matalo sa ikalimang sunod na pagkak­ataon sa Finals pero nagagawa pa niyang magbiro.

Lamang sa iskor na 3-2 ang Magnolia sa best-of-seven Finals. Pero hindi nawawalan ng pag-asa si Compton. Naniniwala siyang kaya ng kanyang koponan na manalo sa Game 6 nitong paparating na Miyerkoles sa Ynares Center para magkaroon ng Game 7, na nakatakda namang gawin sa Philippine Arena sa Bulacan.

‘Yan ang fighting spirit. Kung ibang coach lang ang nakalasap na mga naging pagkatalo ni Compton, baka nasiraan na ng ulo. Pero heto at nakakaya pang magbiro.

Iba siyempre kapag suportado ka ng may-ari ng koponan na nakikita namang ginagawa ng mga manlalaro ang lahat ng kanilang magagawa para muling tanghaling kampeon ang Alaska.

Para kay Compton, dapat mapabilang sa mga larong tinatawag na classic ang Game 5. Dapat lang.

At ano ang naghihintay sa mga fan sa Game 6?

Ganito ang sabi ni Compton.

“I am a basketball fan so I will be watching­ on Wednesday. I would say all basketball fans should watch. These two teams can’t play any harder. That was an incredible game.”

Para sa mga hindi nakakaalam, nuong nag­lalaro pa si Compton, mayroon siyang foundation na tumutulong sa mga batang taga-Tondo. Ilan sa mga manlalaro natin ang katulad ni Compton?

Kaya naman naniniwala akong mabibiyayaan din ng korona si Compton. Kung hindi ngayon ay sa mga susunod na conference ng liga.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy