Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ibang galamay tinutugis ng NBI! ‘Nagoyo’ hacker may target pang bangko

0 204

Ibinunyag ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi lang ang BDO Unibank ang tinarget ng grupong ‘Mark Nagoyo’.

Paliwanag kahapon ni NBI Cybercrime Division head Victor Lorenzo, isa pa umanong bangko ang nasa listahan ng mga hacker.

“May nakuha kaming information na mayroon na naman silang tatargetin na isang bank, kaya nga nakapag-schedule na kami doon sa bangko na ‘yon na mag-discuss kami,” ani Lorenzo sa TeleRadyo.

“At least ‘yong nalaman namin, ma-discuss namin para magkaroon sila ng process review doon sa security nila,” aniya pa.

Samantala, bukod sa limang nahuling sangkot sa hacking, may ilan pang suspek ang hinahanap ng NBI.

Ayon kay Lorenzo, may ilan na silang tinututukan na kasama sa hacking ng account ng may 700 customer ng bangko.

“Ang maganda ho naman doon, kilala na natin sila. Dati kasi mga pseudonym lang, mga fake account. ‘Yon lang pakilala nila. Pero sa ngayon, at least kilala na natin sila. It’s only a matter of time,” aniya pa.

Sa kasalukuyan ay limang suspek na ang naaresto ng NBI na nasa likod ng hacking kabilang ang 2 Nigerian. (Ray Mark Patriarca/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.