Una sa Balita

Iba pang investment scam isusunod ng PNP sa Kapa

0 299

PATULOY na nagsasagawa ng case build-up ang Philippine National Police (PNP) sa ilang grupo na nagsasagawa ng mga investment scam kabilang ang Surigao del Sur based na Kapa-Community Ministry International Inc.

Sa press briefing kahapon sa Camp Crame, sinabi ng PNP chief General Oscar Albayalde, nakahanda na ang mga gagawing police operation laban sa mga nasabing grupo nitong darating na Linggo.

“Meron na kaming nagawang case build up on some of the alleged. Hindi lang kasi Kapa yan eh. Marami lumalabas especially in Mindanao, regions 8, 9, 10, 11, 12 lahat yan merong mga scam na nangyayari that’s we got a direct order from the President himself and the SILG and as I have said itong linggo na ito we will see ang police operations,” pahayag ni Albayalde sa nasabing press briefing.

Sa ngayon ayon pa kay Albayalde, mayroon umanong 12 investment scam silang iniimbestigahan.

“The PNP and NBI (National Bureau of Investigation) are working on it, and we have already made case build-up. Within the week, merong resulta yan,” dagdag ni Albayalde.

Matatandaang nitong Sabado ay iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP at NBI ang masusing imbestigasyon at ipasara ang Kapa na nag-ooperate sa Southern Mindanao dahil sa umano’y ginagawang mga investment scam. ­(Edwin ­Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy