Una sa Balita

Iba kapag recharge

0 219

Bakit ang teams na kagagaling lang sa finals ay hirap makuha ang unang­ pa­nalo pagpasok ng bagong conference? Madalas mangyari ito sa PBA mga ka-Abante.

Tignan natin ang lagay ng SMB at Magnolia. Sa unang sabak nila sa Commissioner’s Cup ay talo agad sila. Bakit nga ba?

Maigsi lang ang pagitan ng Philippine Cup at ng Commissioner’s, isang linggo lang bale. Sa loob ng isang linggo ay balik bakbakan muli sa PBA, pero hindi naman agad sumabak ang dalawang teams para makapagpahinga.

Isipin natin ang mga teams na maagang nagbakasyon, naging mahaba ang pahinga nila, maaga nilang nabigyang solusyon ang mga naging kakulangan nila at mas naging mahaba ang oras nila para mag-ensayo at magpalakas.

Tuloy pa rin naman ang ensayo ng Beermen at Hotshots dahil nasa Finals sila, pero alala­hanin natin na para sa All Filipino team ang focus nila hindi tulad ng ibang teams na para sa reinforced conference na ang pinaghahandaan.

Lamang sa preparas­yon ang ibang teams sa liga dahil mahaba ang ginugol nilang panahon para makuha ang chemistry kasama ang kanilang imports.

Hindi biro ang adjustment pagdating sa play at players, hindi naman isang araw lang kuha na nila ang perfect jive na kinakailangan.

Ilang buwan din ang ensayo nila kasama ang import kumpara sa Beermen na isang linggo lang ang naging practice bago sumabak sa una nilang laro.

Nabanggit ni coach Leo na naging problema nila ang maagang pagsisimula ng conference dahil ang kanyang mga player ay nasa vacation at celebration mode pa. Sino ba namang hindi hihingi ng pahinga matapos ang 7 games na puno ng aksyon ‘di ba?

Sa madaling salita mga Ka-Abante, hindi sapat ang oras ng mga team na nagharap sa finals para makapag-ensayo kasama ang kanilang imports.

Siyempre ang gagawin nilang diskarte sa pagbabalasa ng players,­ kung sino ba ang effective na players na puwedeng makasama ng import nila sa loob ng court para ma-maximize ito?

Kung sa All Filipino line up ay hirap nang magbalasa ang coaches ng players, paano pa kaya kapag may dumagdag pa? Sabihin na natin na sa side ng Beermen ay bukod sa import nila na si Rhodes ay andiyan pa ang bagong addition sa team na sina Romeo at Zamar. Na kahit na nagkampeon sila, paniguradong hindi pa sila tapos sa adjustment period.

Hindi kasi madali ang mag-adjust lalo na kung hindi ka gaanong kapamilyar sa laro ng import mo. Pabor din talaga ang maagang bakasyon, sa parteng iyon nakalamang ang ibang teams tulad na lang ng Blackwater na umaariba ngayon sa liga, isama mo pa diyan ang pagpasok ng kanilang rookie na si Ray Ray Parks.

Naging maganda ang simula ng confe­rence sa kanila, lumakas at mas naging confident sila ngayon, iba naman kasi talaga ang nagagawa ng practice. Sabi nga, practice makes perfect.

Marahil nakuha na nila sa mahabang practice ang perfection na kanilang hinahanap para sa kanilang team.

Tignan na lang natin mga ka-Abante kung sino ang mananaig nga­yong Commissioner’s­ Cup, Ginebra pa rin kaya o may hihirangin nang bagong kampeon?

Muli, patuloy po ninyong suportahan ang aming show ni Bes Ramil, Sportalakan, Martes, 6pm.
Salamat po. God bless!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy