Una sa Balita

Iba kapag may Jayson – Guiao

0 417

Perez, Bolick pamalit kay Castro sa Gilas

WALA na sa Gilas Pilipinas na sasabak sa 2019 FIBA World Cup sa China ang pinakamaga­ling na point guard sa Asya na si Jayson Castro.

Dalawang bagito, pero mga petmalu, ang pipiliting punan ang kanyang iiwang sapatos sa katauhan nina Robert Bolick ng NorthPort Batang Pier at top rookie pick CJ Perez ng Columbian Dyip.

Kasama ang dalawang rookies sa Final­ 12 ng Gilas Pilipinas sa inilabas na final lineup ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Linggo ng gabi.

Bukod kina Bolick at Perez, muling pamumunuan ni Andray Blatche ang koponan habang makakasama rin sina June Mar Fajardo, Gabe Norwood, Japeth Aguilar, Troy Rosario, Raymond Almazan, RR Pogoy, Mark Barroca at Paul Lee.

Nakabilang din sa koponan ang galing sa isa’t kalahating suspensyon ng FIBA na si Kiefer Ravena, na makakatuwang din nina Bolick at Perez, maging si Marc Barroca at Paul Lee sa guard rotation.

“Iba pa rin kapag mayroon ka na Jayson Castro,” sabi ni Guiao. “But we respect his decision dahil marami na rin kasi siya na isinakripisyo para sa pambansang koponan at mas prayoridad naman niya ang kanyang pamilya.

Matatandaan na naghirap si Castro sa unang dalawang sinalihang torneo ng Gilas Pilipinas para makantuntong sa World Cup bago na lamang ito nagpasiya na huwag na sumama sa koponan sa pinakaimportante at pinakahuli na torneo na tuntungan ng pambansang koponan na FIBA World Cup.

Kaya naman huhugot si Guiao ng lakas sa mga batang guard na sina Bolick at Perez. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More