Una sa Balita

Iba ang Mighty

0 302

Nakaka-Proud tala­ga ang pinapakita ng Mighty Sports sa 41st Jones Cup, bumabandera ang Pinoy pride.

Ibang lebel ng basketball ang pinapakita ng mga bata ni coach Charles Tiu, nakatulong talaga sa team natin ang presence ng limang import.

Kung sa PBA nga ay solid na ang laro nina Eugene Phelps at Renaldo Balkman, dito sa Jones Cup? Aba, kakabahan ang sinumang makakaharap nila.

Ang ganda ng record natin ngayon sa liga, 5-0 na. Yes, mga Ka-Abante limang panalo na at malinis na malinis pa, wala pang talo, isama mo pa diyan ang panalo ng Mighty Sports sa South Korea.

Kay sarap ng panalo kapag sila ang kalaban, alam naman natin na may hugot tayo tuwing South Korea ang kalaban natin. Hindi naging madali ang nangyaring laro sa pagitan ng mga Pinoy at mga Koreano, dikit lang ang naging scoring, ‘di tulad ng mga naunang laro ng ating team na puro blowout.

Nakakatuwa na umaarangkada ang Pilipinas sa international scene, talagang may reputasyon na tayong pinanghahawakan kapag basketball ang pinag-uusapan. Team to beat talaga, maraming supporters at marami la­ging pasabog at sorpresa kapag nasa court na, hindi nauubusan ng bala.

Hindi lang naman ang import ang bumubuhat sa team dahil lahat ng miyembro ng Mighty Sports ay talagang nagde-deliver sa bawat laro, maganda ang chemistry ng team kahit na unang beses nila itong magsama-sama. Partida pa yan mga Ka-Abante ha!

Sa ganda ng pina­pakita ng mga pambato natin ay hindi mo iisi­ping nangangapa pa sila, masasabi mo nalang talaga na puno ng talent ang mga manok natin sa Jones Cup. Pero tulad ng pahayag ni coach Charles, hindi pa tapos ang laban, mahaba pa ang tatakbuhin ng liga kaya hindi dapat makampante, mahaba pa ang laban.

Hindi dapat magpasilaw sa sweep na ito kung hindi mas dapat pang paghusayan, saka na tayo mag-celebrate kapag tapos na ang liga. Pero malaki ang tiwala ng buong bansa sa Mighty Sports kaya naman siguradong ganadong-ganado sila sa darating nilang laro bukas at Sabado. May dalawang­ araw na pahinga ang mga pambato natin kaya may panahon sila para makapag-ensayo ng todo at makagawa ng pangma­lakasang game plan para sa laban kontra sa dalawang teams ng Taiwan.

***

Nais ko lang din i-commend ang grupo nina coach Rene Catalan, iba ang disiplina nila pagdating sa MMA. Kung pagmamahal at passion lang naman, aba punong-puno niyan ang grupo nina coach Rene. Sa na­ging panayam namin kina coach Rene, Ate Jomari, Sir Ruel Catalan at Sir Roque Mana-ay, Jr. ay lumabas ang pagiging responsableng atleta nila.

Sobrang dedicated nila pagdating sa training,­ at ‘di ito para lang sa kanila, dahil ginagawa nila ito para sa bansa natin. Saludo ho ako sa inyo at ang mga atletang tulad nila ay dapat nating hangaan at bigyan ng recognition!

Nakita ko mga Ka-Abante kung paano at ano’ng klase ng training ang pinagdadaanan ng ating mga fighter.

Akalain ninyo, tatlong beses sa isang araw ang training nila. Opo, tatlong beses nga po, kain at siesta lang tapos ay back to madugong training na ulit. Sakripisyo talaga para sa bansa ang ginagawa nila, ginagawa nila ito para makapag-uwi ng panalo para sa atin kaya talagang mataas ang respeto ko sa grupo nila at sa mga fighter na tulad nila coach Rene.

Sa totoo lang mga Ka-Abante, pinapanood ko pa lang ang training nila ay umiikot ang sikmura ko, paano pa kaya ‘pag sinubukan ko na? Hehe. Madugo talaga kaya hangang-hanga ako sa kanila mga Ka-Abante. Kaya sa Catalan Fighting System, God bless po sa inyong upcoming fights!

Muli, patuloy po ninyong suportahan ang Sportalakan, Martes, 6pm. Salamat po! God bless!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy