Una sa Balita

IATF walang utos na ‘no face mask, no entry’ sa mga supermarket

0 574

Walang kautusan ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na “no face mask, no entry” sa mga supermarket at drugstores sa harap ng peligrong dulot ng coronavirus disease 2019.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles na ang ipinakikusap lamang ng gobyerno sa publiko ay ang pag-obserba sa social distancing para makaiwas sa peligro ng COVID-19.

Sa pamamagitan aniya ng social distancing ay mababawasan ang peligro na mahawa ang isang indibidwal sa possible carrier ng virus.

“Wala po tayong ganyang utos. Ang inilabas lang po natin ay ang pag-observe sa social distancing,” ani ni Nograles.

Nagrereklamo ang ilang mamamayan dahil hindi umano sila pinapapasok sa supermarket at drugstores dahil walang suot na face mask gayung wala namang mapagbilhan nito.(Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More