Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

IATF: Mga Pinoy na-virus abroad puwede umuwi

0 263

Maaari nang makauwi sa Pilipinas ang mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19 sa ibang bansa subalit gumaling na kahit na nagpositibo pa rin sa kanilang RT-PCR test bago ang flight schedule.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, pinayagan ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) subalit may mga kondisyon para sa mga Pinoy na galing ibang bansa.

Kabilang sa mga kailangang ipakita ng mga uuwing Pinoy na gumaling na sa COVID ay ang mga sunusunod:

*kahit positive RT-PCR test na ginawa 48 oras bago umalis sa bansang pinagmulan;

*medical certificate na inisyu ng isang lisensiyadong doktor na nagsasaad na nakumpleto ng pasahero ang mandatory isolation period at hindi na siya nakakahawa at pinapayagan nang lumabas at bumiyahe; at

*positive RT-PCR test na kinuha sa loob ng 10 araw subalit hindi lalagpas ng 30 araw bago ang petsa ng kanyang pag-alis sa bansang pinanggalingan.

“Pagdating sa Pilipinas kailangan nilang sumailalim sa facility-based quarantine applicable to them based on the classification of the country of origin,” dagdag ni Nograles.

Kaugnay naman sa vaccination status, sinabi ng kalihim na kung bakunado na ang pasaherong galing sa green list country, kailangan pa ring mag-quarantine. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.