Una sa Balita

IATF maglalabas ng matapang na guidelines laban sa diskriminasyon sa mga frontliner

0 363

Maglalabas ng mas matapang na guidelines ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases laban sa mga gumagawa ng diskriminasyon at pananakit sa mga frontliner at health workers.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles na nakarating na sa IATF ang mga report laban sa ginagawang diskriminasyon sa mga health worker kaya ito ang isa sa mga pag-uusapan sa pulong ngayong Lunes.

Nakakadismayang mabatid aniya na sa kabila ng sakripisyo ng mga frontliner para sa kaligtasan ng publiko ay mayroon pa ring mga taong makikitid ang isip.

“Hindi pupuwedeng gawin yang ganyang klase ng diskriminasyon, bawal po yan. Ito ang isa sa pag-uusapan namin sa IATF, siguro kailangan ang mas matapos na lengguwahe at guidelines. Ito ang ilalabas namin pagkatapos ng meeting namin,” ani Nograles.

Umaapela na rin ang Philippine Nurses Association sa gobyerno na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga miyembro dahil sa mga nararanasang harassment mula sa mga taong hindi masyadong naiintindihan ang kanilang ginagawa.

Nais din ng PNA na parusahan ang mga gumagawa ng pananakit sa kanilang miyembro.(Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More