Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

IATF inatras insurance sa balik-kolehiyo

0 96

BINAWI na ng Inter-Agency Task Force ang medical insurance requirement para sa mga estudyante na mag-e enroll para sa limited face-to-face classes sa kolehiyo.

Ito ang inanunsiyo ni Deputy Presidential Spokesman at PCOO Undersecretary Kris Ablan sa press briefing sa Malacañang.

Napagkasunduan aniya sa pulong ng IATF na bawiin ang requirement na kailangang mayroong medical insurance ang mga mag-eenrol sa kolehiyo para sa limited face-to-face.

“Inaprubahan na ng IATF base sa rekomendasyon ng Commisison on Higher Education ang pag-repeal sa medical insurance ng mga estudyante na nakasaad sa CHED-DOH joint memorandum circular 2021-004,” ani Ablan.

Matatandaang inilabas ng IATF at CHED ang polisiya para sa limited face-to-face classes sa kolehiyo sa harap ng nananatiling banta ng COVID-19.

Ang mga estudyanteng 21 pababa ay maaaring mag-register sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para maka-avail ng insurance habang ang mga 21 pataas ay kailangang kumuha sa pribadong insurance agencies. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.