Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

IATF: COVID test, quarantine ‘di na puwersahan ! Biyahe niluwagan na

0 171

INAPRUBAHAN na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang uniform travel protocols para sa lahat ng local government units.

Ang resolusyon ay inanunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque at ito ay para sa land, air at sea travels.

Sinabi ni Roque na hindi na oobligahin ang mga biyahero na suma­ilalim sa COVID-19 testing, maliban na lamang kung ito ay requirement sa LGU na magiging destinasyon bago bumiyahe at magiging limitado lamang ito sa RT-PCR test.

Inalis na rin ng IATF ang qua­rantine sa mga biyahero, maliban na lamang kung may ipinapakitang COVID symptoms pagdating sa destinasyon.

SM food to go Banner Ad

Kinakailangan pa ring mahigpit na ipatupad ang standard health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distan­cing.

‘Clinical and exposure assessment shall be strictly implemented in all ports of entry and exit while health assessment of passengers, supervised by medical doctors, shall be mandatory upon entry in the port/terminal and exit at point of destination,” ani Roque.

Inalis na rin ng IATF ang travel authority at health certificates na iniisyu ng Joint Task Force COVID Shield, gayonman, para sa mga authorized persons outside of residence (APORS) mula sa national government at attached agencies ay kinakailangan pa ring magpakita ng kanilang identification card, travel order at travel iterinary at kailangang pumasa sa symptom-screening sa lahat ng ports of entry at exits.

Para sa ports at terminals, kinakailangang mayroong sapat na quarantine/isolation facilities para sa mga biyaherong makikitaan ng sintomas ng COVID-19. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.