Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

IATF binago COVID test protocol sa mga biyahero

0 92

Pasado na sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) ang mungkahi ng Department of Health (DOH) para sa panibagong protocol sa mga biyaherong dadating sa Pilipinas.

Ayon kay DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, gagawin na kada ika-pitong araw ang COVID-19 test para sa mga uuwi o pupunta sa bansa.

Sa bagong patakaran, isasailalim ang dumating na biyahero sa 10 araw na quarantine at sasalang sa COVID-19 test pagsapit ng ika-pitong araw mula nang dumating ito sa bansa.

SM food to go Banner Ad

Matapos ang 10 araw na quarantine ay ieendorso na ang mga biyahero sa mga local government unit (LGU) para doon tapusin ang mandatory isolation.

“Nagka-agree naman po lahat ng concerned agencies diyan na the soonest time possible ay maumpisahan natin itong ganitong protocol,” sabi ni Vergeire.

Ipatutupad ang bagong COVID-19 test protocol dahil nakita na nakahahawa pa rin ang virus makalipas ang isang linggo matapos magpositibo dito. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.