Una sa Balita

Iangat ang kalagayan ng mga manggagawa

0 450

Pasok sa ‘10 worst countries’ para sa mga manggagawa ang Pilipinas.

Ito ay base sa 2019 Global Workers’ Rights Index ng Trade Union Confederation.

Ang hindi magandang karanasan ng mga manggagawa ang tinitingnang dahilan ng pagpasok ng ‘Pinas sa listahan.

Partikular na tinukoy na rason ng grupo ay ang pagpaslang sa siyam na magsasaka sa Sagay City, Negros Occidental nakaraang taon.

Hindi maganda ang record na ito para sa mga manggagawang Pinoy, isang pruweba ng hindi maayos na pagtrato sa mga kababayan nating Pinoy na napapansin na rin worldwide.

Kaya sana ay kumilos ang Department of Labor and Employment (DOLE) para maiangat ang kalagayan ng mga manggagawang Pinoy at mabura sa naturang talaan dahil malaki naman talaga ang naitutulong ng sektor sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

***

Hindi pa rin mamatay-matay ang isyu sa term-sharing ng magi­ging Speaker ng Kamara sa katauhan nina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na sinasabing ideya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa kumakalat na balita ay komporme si Cong. Cayetano sa panukalang ito ng Pa­ngulo taliwas kay Cong. Velasco.

Kaya raw ganito ang nais ng Pangulo ay para matapos na ang problema sa mainit na isyu sa karera sa pagka-Speaker kung saan ay mga kaal­yado pa ang nasasangkot.

Nasa katwiran naman ang Pangulong Duterte sa kanyang suhestiyon. Bilang lider tungkulin niyang plantsahin ang namumuong sigalot ng mga kapartido.

Kaya nakapagtatakang nagmamatigas si Cong. Velasco sa suhestiyong term-sharing.

Maaaring kaya ipinanukala ang term-sharing ay dahil bentahe ito sa gobyerno para maging maayos ang takbo ng Kamara at koordinasyon sa Palasyo.

Hindi tuloy maganda ang dating ni Cong. Velasco sa pagkontra sa term-sharing na nasubukan namang epektibo sa mga nagdaang pamunuan sa Kongreso.

Kaya para sa akin at sa maraming naniniwala sa gobyernong Duterte, marapat lamang na tanggapin na ni Velasco ang term-sharing at ‘wag na siyang umasal na parang walang paki sa suhestiyon ng mga nakakataas.

Pero iyan ay kung tagumpay ng natitirang panahon ni Pangulong Duterte ang kanyang hangad.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy