Una sa Balita

Ian takot kay Patti Austin

0 199

Mukhang isinantabi na muna ni Ian Veneracion ang pagiging isang artista at nagku-concentrate ngayon bilang isang singer,

huh! Aba, mukhang hindi na siya ginaganahan umarte matapos mabigyan siya ng se­cond chance to stardom dahil sumikat nga muli siya nang gumanap siya sa ilang teleseryes, pero this time, marami na ang nakaka-miss sa kanya, huh!

Well, kung ang kasama mo nga naman sa isang concert ay isang Patti Austin na isa sa pinakamagaling na international singer ay mahirap nga namang hindian ang pagkakataong ito, noh!

Sabi nga ni Ian, nakaka-pressure sa kanya ito lalo na’t aminado naman siya na kahit nakaka-keri siya ng tono ay hindi talaga isang magaling na professional singer katulad ni Divine Diva na siya talagang bida sa concert na pagsasamahan nila ni Patti.

Anyway, he’s trying his best naman daw lalo na’t may oras pa naman siyang magpraktis, so, todo focus siya dito. Nope, hindi naman daw dinidedma na ang pagiging isang actor, pero dahil magandang opportunity ito, ayaw niyang pakawalan. Oo nga naman. (Glenn Regondola)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy