Una sa Balita

Ian ‘nilayasan’ ni Patti Austin sa Canada

0 340

Nakakaloka ba, o blessing in disguise ang nangyari kay Ian Veneracion sa Vancouver, Canada? Imagine, inindiyan siya ni Patti Austin, ha! Yes, si Patti Austin na sobrang sikat ang mga kanta at paborito ng mga Pilipino.

Anyway, base sa report ng ABS-CBN, bigla na lang nilaya­san ni Patti ang concert na “Soul and Heart” Canada tour.

Ang kuwento, hindi  raw masaya si Austin sa naging arrangements, kaya bigla na lang itong lumayas.

“As far as I know, she’s paid. With all due respect, we all know that she is professional and we are expecting her to at least have that respect and decency to tell us ‘I’m sorry’ or at least respect the audience,” sabi ng Backstage Ventures producer na si Marivic Monteverde.

Pero kung sa tingin niyo ay hindi naging bongga ang concert, mali kayo. Katunayan, tila mas nag-enjoy pa raw ang mga Pilipino sa Canada.

“Of course kinabahan ako kasi ‘yun nga, I’m more of an actor than a singer naman talaga. When I learned na, I don’t know, she just flew off, it was going to be my show, oh my goodness,” saad ni Ian.

Hindi nga umalis ang mga manonood, at talagang tinapos nila ang mga kanta ni Ian. Bet nga nila ang performance ni Ian, lalo na ang kaguwapuhan nito.
“Mafi-feel mo naman if they feel shortchanged. I didn’t feel that. They didn’t make me feel that at all,” sabi pa ni Ian.

Well, bongga naman si Ian, ha! At least, nagawa niyang ibigay ang kaligayahan ng mga kababayan natin sa Canada, kesehodang wala nga si Austin. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy