Una sa Balita

Ian Lariba flag-bearer ng Pinas sa Rio

0 138

Nahirang si Ian Lariba bilang flag beare­r ng Philippine delegation sa opening ceremony­ ng 2016 Rio de Janeiro­ Olympics sa Brazil sa Agosto.

Ito ang inihayag ng Philippine Olympic Committee kahapon, kung saan ang mga Pinoy athletes ay nakatakdang lumipad pa-Rio sa darating na Sabado (Hulyo 23).

Si Lariba ang unang Filipino table tennis player na nakalusot para makalaro sa Olympics.

Related Posts

“I’m very thankful and at the same time, humbled that among the list of athletes, I was the one chosen,” lahad ni Lariba, UAAP MVP mula sa De La Salle University at pinakabatang atleta sa delegasyon ng Pilipinas sa edad 21.

Ang Pilipinas ay may 12 atletang sasabak sa Summer Olympics.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy