Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ian humagulgol sa US concert

0 288

Ang bongga ng pa-presscon ni Ogie Alcasid bilang welcome kay Ian Veneracion, na ngayon nga ay isa na sa kanyang mga talent, under ATeam Management Agency.

Matagal na ngang magkaibigan sina Ogie, Ian. Sa katunayan nagsama na sila sa online concert noon.

Masaya si Ogie dahil medyo okey na ang sitwasyon sa Pilipinas, at malamang matuloy na talaga ang face to face o live concert nila.

Si Ian ay kilala bilang magaling na aktor sa mga nagdaang panahon. Una siyang nakilala sa ‘That’s Entertainment’ ni German ‘Kuya Germs’ Moreno.

Kaya matagal na kaming magkakilala ni Ian at nasundan namin ang matagumpay niyang career sa showbiz.

Nagpa-manage raw siya kay Ogie, out of friendship, at bilang isang singer, songwriter at composer ay marami siyang matutunan sa larangan ng musika sa mister ni Regine Velasquez.

Alam naman natin na versatile at multi talented si Ian na bukod sa pag-arte at pagkanta ay painter rin ito.

Kababalik lang daw niya from the US kung saan ay nag-concert siya at naiyak daw siya after performing on a live audience. Matapos nga naman ang matagal na sitwasyon ng pandemic, iba pa rin ang pakiramdam na makaharap mo ang mga nanonood sa iyo habang kumakanta ka.

Bukod diyan ay pinag-produce rin ni Ogie si Ian ng isang concert.

Very supportive raw si Ogie sa kanya at may nag-aayos ng kanyang mga schedule.

Hindi ko lang naitanong bakit siya umalis kay Ricky Gallardo. Tanong ko nga kapag nagkita kami.

Leave A Reply

Your email address will not be published.