Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ian, Cubs nakasilat

0 10

PATALO na ang Chicago Cubs pagkatapos ng eight innings, pero hindi sinukuan ni Ian Happ.

Sinindihan ng outfielder ang six-run rally sa ninth at inagawan ng Cubs ng panalo ang Cardinals 7-6 sa St. Louis nitong Martes.

Pinaglaruan si St. Louis closer Alex Reyes, 10 batters ang pinabiyahe ng Chicago sa plate sa final inning at sumandal sa three walks, error at missed third strike.

Nagdagdag si Javie Baez ng two-run hit sa kasagsagan ng rally.

Sa two-run single ni Baez ang natapyas ang hinahabol sa 6-5, sinundan ni Happ ng two-run double para agawin ang manibela 7-6.

“I’m just trying to have fun, play this game and enjoy it,” bulalas ni Happ.

Nilista ni Craig Kimbrel ang 22nd save niya sa Cubs. Tinapos niya ang laro nang kuryentehin sa plate ang huling batter ng Cards na si Paul Goldschmidt. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.