Una sa Balita

Iaalay ko ang aking buhay para sa bansa — PMA topnotcher

By
0 167

Handang mag-alay ng buhay para sa bayan si 2nd Lt. Rovi Mairel Martinez, topnotcher ng ‘Sanggalang ay Lakas at Buhay Para sa Kalayaan Ng Inang Bayan’ Class (SALAKNIB) Class 2017 ng Philippine Military Academy (PMA) sa idinaos na graduation cere­mony kamakalawa sa Baguio City.

Sinabi ni Martinez na maglilingkod sa Philippine Navy, na nakahanda na ang mga ito sa paglilingkod sa Pilipinas kasabay ng pahayag na ang pinili nilang propesyon ay hindi na magbabago kung kaya’t iaalay nila ang kanilang buhay para sa bansa.

Ayon kay Martinez, sa pananatili nila sa PMA, nasubok ang kanilang katatagan physically, emotionally, mentally at spiritually.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman ito sa mga taong tumulong sa kanila sa loob at labas ng akademya gaya ng mga foster parents ng mga ito, sa kanilang mga mentors, squad leader at sa kanilang mga body at squad leaders.

Pinasalamatan din nito ang PMA, kanilang mga magulang at sa ­Panginoong lumikha.

Sinabayan din nitong himukin ang mga kapwa kadeteng nagtapos na huwag kalilimutan ang mga aral na natutunan nila sa loob ng akademya lalo na’t ibang daan naman ang kanilang tatahakin.

Una nang sinabi ni Lt. Col. Reynaldo Balido Jr., tagapagsalita ng PMA, na ang pagpili ng “class goat” ay base sa grades ng mga ito.

Gayunman, noong 2014 ay nagtapos bilang “class goat” si Cadet 1st Class Ernalyn Fernando, hindi dahil sa mababa nitong grade kundi dahil isang demerit.

Ito sana ang No. 28 pero naging ika-222 sa mga nagmartsa noong March 2014 dahil sa isang demerit.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy