Una sa Balita

Mga loveteam sa showbiz maiksi ang buhay

Janella bugbog sarado sa mga fan ni Elmo dahil kay Jameson

By
0 1,114

Matapang ang deklarasyon ng award-winning at box-office director na si Jason Paul Laxamana na hindi siya naniniwala na ang isang loveteam lang ang may chemistry na ilalabas sa screen.

“I don’t believe in loveteam. I believe in good ac­ting!” rason ni Direk Jason kung bakit sina Janella Salvador at Jameson Blake ang bida sa Regal movie niyang So Connected.

Si Elmo Magalona ang naging ka-loveteam ni Janella sa TV at huli silang nagsama sa My Fairy Tail Love Story. But just like any other showbiz loveteams na dumarating ang punto na kailangang maghiwalay, hindi exception ang ElNella loveteam sa kalakarang ito sa showbiz simula noon hanggang ngayon.

Base sa track record ng writer-director, wala siyang naidirek na loveteams at ‘yung ginawa niyang 100 Tula Para Kay Stella, box-office surprise ‘yon dahil first time nagsama sa movie nina Bela Padilla at JC Santos na hindi naman matatawag na loveteam, huh!

Eh sa totoo lang, mas maiiksi ang buhay ng mga loveteams ngayon kumpara noong nakaraang mga dekada. Maging ang hottest loveteam nu’ng 70s nina Nora Aunor at Tirso Cruz III, nauwi rin sa hiwalayan, huh!

Ang Sharon Cuneta-Gabby Concepcion loveteam, nag-goodbye rin matapos gumawa ng blockbuster films.

Nang dumating ang tinaguriang Phenomenal Loveteam nina Alden Ri­chards at Maine Mendoza, talaga namang binulabog nito ang showbiz dahil sa nilikha nitong ingay at kilig sa TV at sa pelikulang Imagine You & Me.

Pero heto, sinisimulan nang magkanya-kanya ng landas sina Alden at Meng bilang artista kahit na mga may pinaplantsa pa ring movie para sa kanila.

Ang mga sikat na artistang nagsimula sa loveteams eh, kailangan din namang mag-grow individually. Naganap ‘yon kina Nora Aunor, Vilma Santos, Maricel Soriano, Sharon Cuneta at iba pang sikat nating female artists. Kaya nilang magdala ng pelikula nang hindi ang nasilayang ka-loveteam ang kapareha.

Batid ni Janella ang kalakarang ‘yan sa showbiz. So kahit na nga nakakatanggap siya ng bashing dahil si Jameson naman ang kapareha niya, ipinapaalala niya sa ElNella fanatics na bahagi ng trabaho niya ang pumareha sa ibang aktor.

In the end naman, hindi naman tuluyang maglalaho ang loveteam nila ni Elmo dahil gaya ng ibang sumikat na loveteams, dumarating din ang panahong muli silang pinagsasama sa big screen.

Hindi ang pagkakaroon ng loveteam and be-all and end-all ng isang artista. Parte lang ‘yon ng growing up process and in the end, ang mahalaga ay talento pa rin sa pag-arte para tumagal ang isang artista sa showbiz.