Una sa Balita

I KNOW BETTER: Solenn, naa-attract pa rin sa mga poging boys!

By
0 196

Dalawa ang gustong maging anak ni Solenn Heussaff sa asawang Argentinian na si Nico Bolzico. Pero, hindi pa raw siya ready sa ngayon.

Nais muna niyang i-enjoy ang married life kahit na nga nag-live in na sila ng limang taon bago nagpakasal. At bago nga nagpakasal sa Europe, nag-taping muna si Solenn ng ilang eksena niya sa GMA telefantasya na Encantadia.

Siya ang lalabas na si Cassiopea. Nakita nga siya ng asawa na hirap na hirap sa language na gamit sa programa habang binabasa ang script.

“Nang makita niya ang script, ‘What the hell is this?’ Sabi ko, ‘I don’t know?’ Ha! Ha! Ha!” say ni Solenn.

Teka, nu’ng magpa­kasal ba sila ni Nico, lalong tumindi ang pagmamahalan nila?
“Same-same!” tugon niya habang nakangiti.

“Well, para sa akin, naka-live in ko na siya ng 5 years so kilala ko na siya. Tapos kung may mga problema, kung meron, pero wala masyado, you learn to work on it.

“Tungkol sa mga vows namin, super totoo ‘yung vows na hindi magiging madali ito. Tapos, may times na I don’t want to be with him or he doesn’t want to be with me! Ha! Ha! Ha! But it’s our choice to be together so we have to work on that.

“For now, everything is amazing but walang naiba from the past. Same-same,” diin ng seksi pa ring aktres.

Hindi naman daw nabago ang level ng pagmamahalan nila porke kasal sila.

“`Yung kasal is isang piece of paper lang na magi­ging official. Walang magbabago kung boyfriend lang kayo o asawa, `di ba? Dapat love is love!” katwiran ni Solenn.
Eh, ‘di wala na siyang party-party?

“Meron pa! Favorite ko yata ‘yan,” saad niya.

“If may bawal na ganoon, hindi ako magpapa­kasal,” dugtong niya.

Kapwa kasi sila liberated ang mentalidad.

“You know, you have your own life. Hindi porke may asawa ka na, sa bahay na ako at maglilinis, di ba?

“Pero si Nico, mas gusto matulog. Ako, gusto ko ng wine-wine minsan. Minsan, darating siya ng bahay ng 5AM. Paggising niya, hindi siya nagtatanong kung ano ang ginawa ko,” katwiran ni Solenn.

Pero, wala na ba siyang tingin-tingin sa ibang lalaki?

“Kung guwapo, titingin pa rin ako. Pakialam naman niya. Minsan si Nico, tumingin sa girl. Sabi ko, ‘Uy tumingin siya sa girl dalawang beses. Maganda siya.’ ‘You’re not pissed?’

“Bakit naman ako mapi-pissed? Hindi naman papangit ang babae porke kasal ka na? Mas magi­ging maingat ka na kasi bawal ka na doon, sabi ko sa kanya,” bulalas ng Kapuso actress.

Aminado siyang domesticated pag walang trabaho, dahil hilig niyang magluto.
“Every morning when I wake up I do the food. Pag may time ako gagawa ako ng food niya. He can bring it to work. Healthy siya kaya puro salad. Hindi kailangang iluto! Ha! Ha! Ha!” chika niya.

Wala rin kasing problema kay Nico ang work niya dahil gusto niya itong ginagawa niya. Pero hilig nila ang magbakasyon.

“Kasama ko naman siya habambuhay so sana may rest kami in between!” diin ni Solenn.
Kung pasilip lang ang kaseksihan ni Solenn sa costume niya sa Encantadia na magsisimula na sa July 18, tumotodo siya sa comedy program na A1 Ko Sa ‘Yo every Thursday.

Roselle at sikat na aktor, magsasanib-puwersa!
Mother Lily, sinorpresa si Roselle!

Napabilis ang bakasyon ni Roselle Monteverde sa Paris, France kasama ang anak dahil

Happy birthday, Roselle
Happy birthday, Roselle

kailangan na niyang ayusin ang promotions ng pelikulang That Thing Called Tanga Na, at ang entries ng Regal sa Metro Manila Film Festival lalo na ang Mano Po 7: Tsinoy na may shooting sa China. Eh nataon na birthday ng Regal Princess last Thursday, July 14, so akala niya eh simpleng araw lang ‘yon sa kanya. Kaso, alert si Mother Lily sa kaarawan niya kaya naman hindi alam ni Roselle na may inihandang surprise lunch ang ina sa Kimpura na dinaluhan ng close na press, directors at talent managers.

May surprise birthday cake pa sa kanya ang staff ng Kimpura. Bulong ni Roselle sa amin, “Buti nakapagbihis ako!”

Happy birthday, Roselle
Happy birthday, Roselle

Present sa lunch na ‘yon ang directors na sina Chito Roño, Joey Reyes at Joel Lamangan. Nandoon din sina Manny Valera at Arnold Vegafria.

Now, it’s back to normal for Roselle. Nakipag-meeting na siya sa isang sikat na aktor na gustong makipag-co-produce sa Regal. Wala pa siyang kumpirmasyon kung tuloy ang joint venture na ‘yon pero tiyak na walang humpay na kaligayahan ang mararamdaman ni Mother Lily once maplantsa ang lahat.

For the meantime, August na ang Joel Lama­ngan movie na That Thing Called Tanga Na. Love knows no gender ang tema nito at kung paano nagiging tanga ang isang tao dahil sa pag-ibig. Bida rito sina Eric Quizon, Billy Crawford, Martin Escudero, Kean Cipriano at Angeline Quinto.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More