Una sa Balita

I KNOW BETTER: Sarah, magri-retire na sa showbiz…

By
0 163

Dalawang buwang bakasyon lang ang ibinigay ni Boss Vic del Rosario kay Sarah Geronimo. Alam din kasi niyang walang break sa showbiz ang isa prized artists niya kaya pinagbigyan na niya ang lambing nito.

Present si Boss Vic sa press presentation ng Miss Manila 2016 last Wednesday sa Diamond Hotel. Ang Viva Live kasi ang mamamahala sa co­ronation night sa June 24 sa Philippine International Convention Center at mapapanood sa TV5 sa ibang araw. Sumaksi rin sina Manila Mayor Joseph Estrada at MARE Foundation Chairperson Jackie Ejercito sa pagrampa ng 33 naggagandahang Manilena.

Komo mainit ang tsismis na buntis umano nga­yon si Sarah, nalambing naman ng press si Boss Vic na magbigay ng pahayag tungkol dito.

“Paano mabubuntis ang virgin? Virgin pa ‘yon!” reaksyon ni Boss Vic. “Immaculate! Ha! Ha! Ha!” dagdag pa niya.

Hindi raw porke may boyfriend eh hindi na virgin ang babae. Eh, nakatakdang gumawa ng major concert si Sarah at regular din siyang napapanood sa ASAP.

“Pinag-aaralan niya ang offer na show ng Channel 2. Anong tawag doon? Reality show. Host siya. Pero hindi pa niya…Pini-present pa lang sa kanya,” saad niya.

Nitong July at August ang break na binigay kay Sarah ni Boss Vic.

“Ano lang, not as hectic as before pero lahat ng commercials ginagawa niya. May hinahandang pelikula,” balita pa ng Viva boss. Kung sakaling magsabi si Sarah na mag-aasawa, sabi ni Boss Vic, “Siyempre hindi ko naman makokontrol ‘yon. Pero sa tingin ko hindi pa siya mag-aasawa dahil ano pa. 28 pa lang siya. Baka hindi pa siya ready. Naghahanda pa lang. Kasi may mga commitment.

“Kasi ‘pag nag-asawa siya, malamang mag-retire. ‘Yung iba kasi ‘pag nag-asawa, tuloy pa rin. Si Sarah, ang plano niya sa buhay niya, if and when mag-asawa niya, ayaw na rin niyang mag-work. Tingin ko lang.

“Tingin ko naman, ‘yun ang dapat para ‘yung family life niya, tahimik na. Anyway, since she was 4, nagwu-work na siya eh. Four years old, she’s been singing. Baka pakanta-kanta na lang ‘pag may special occasions,” rason niya.

Anyway, ano ang plano niya this coming Metro Manila Film Festival?

“Hindi ko pa alam ang reglamento eh. Kami, nagsu-shoot lang kami ng pelikula. Kung merong babagay na pang-festival, ipapasok namin. Wala pa ‘yung rules.

“Siyempre, hinihintay natin ang bagong pag-upo kung sino ang bagong magiging MMDA Chairman. Hindi pa natin alam. Siguro July 1 meron na ‘yan.

“Sa ngayon, I think meron kaming co-production ng Star (Cinema) na gusto nilang gawin. Kung matutuloy, sama ako doon,” sey ni Boss Vic.

Hindi pa raw sure kung si Vice Ganda ang magbibida sa festival entry nila.

“Pinag-aaralan pa ni Vice kung gusto niyang mag-festival. I think meron siyang October na movie eh,” saad ng Viva Boss.

Ano naman ang plano niya kina James Reid at Nadine Lustre?

“Babalik pa lang sila after 21-city tour. Lalabas ang book nila this weekend. Gagawa sila ng bagong soap ngayong Agosto na eere kapalit ng Dolce Amore. ‘Yung movie siguro, in between with Star Cinema with Antonette Jadaone doing the story and direction. Siya rin ang gagawa ng soap nila,” tsika pa ng Boss Vic.

Kumusta naman ang relasyon niya sa TV5?

“Okey naman. ‘Yung mga ibang shows, si­yempre, pinag-aaralang mabuti. Medyo siyempre very stiff ang competition. Kailangang bago at sariwa ang ideas.

“Naghahanda naman sila. Tuloy pa rin kami. Viva, Kapatid!” deklara big boss ng Viva.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy