Una sa Balita

I KNOW BETTER!: Pinoy transgender na nakilala sa Asia’s Got Talent, patay sa lung cancer!

By
Miss Tres
0 276

Hindi pa rin makapaniwala ang mga komedyanteng sina John Lapus at Pooh sa biglaang pagyao ng stand up comedian na si Mama Mia o Romeo Narciso sa tunay na buhay nu’ng Miyerkules nang hapon. Masasabing bata pa si Mia at marami pang puwedeng ma-achieve bilang singer at comedian.

Regular host si Mia sa Klownz at Zirkoh co­medy bars. Nagmarka ang pa­ngalan niya sa TV nang maging bahagi siya ng grupong Miss Tres kasama sina Angel at Mariko na kapwa niya transgender. Sumali sila sa Asia’s Got Talent at napabilib sa kanila ang mga hurado na sina Vaness Wu, David Foster, at Anggun at nagmarka ang rendition nila ng kantang Sex Bomb gamit ang lalaki nilang boses. Kasi nga, ang gaganda at seksi nila, pero barakong-barako ang mga boses nila.

Anyway, lung cancer ang dahilan ng pagkamatay ni Mia. Ngayong Sunday, tuloy pa rin ang benefit show ng lahat ng hosts ng Zirkoh at Klownz led by Allan K ­entitled Stand Up for Love. Siguradong babaha ng luha sa show na ito dahil isa sa mabait na hosts at magaling na performer ang nawala.

Abante Hiring – IT dep

Ang aming pakikiramay sa naiwan ni Romeo a.k.a Mia…

“Nate, pag 35 pa puwedeng mag-gadget!” — Regine

Regine Velasquez-Alcasid
Regine Velasquez-Alcasid

Magkakaroon na ng peace of mind si Regine Velasquez-Alcasid sa darating na biyahe niya sa Japan kasama ang anak na si Nate. Alam niyang wagas ang kakulitan at pagiging kiti-­kiti ng anak kaya nag-aalala siyang baka biglang umiral ang kaku­litan ng bata at biglang makaalpas ito sa paningin niya.

Kaya naman laking-pasasalamat ni Regine sa bagong produkto ng PLDT Home na Smart Watch. Sa pamamagitan nito, kanyang mamo-monitor ang anak saan man siya magpunta kahit phone lang ang ­connected dito.

Ini-launch ang mag-ina bilang endorser ng bagong produktong ito ng PLDT Home last Wednesday. Ipinakita ang video nilang mag-ina. Laking pasasalamat ni Songbird sa bagong gadget na ito na swak na swak sa anak.

“They have a suite of products and services that are designed to give moms like me peace of mind through the power of technology. So far, super helpful talaga siya for me especially when I have to be away from work,” pahayag ni Regine.

Gaya ng ibang ina, pinagagamit naman niya ng mga usong gadgets ang anak. Pero kontrolado nila ang oras nito lalo na’t nag-aaral din si Nate. Ayaw naman nilang ipagkait sa anak ang paggamit ng mga gadget dahil ito na ang nakagisnan niya ngayon.

“Before, I am very concerned about it. Kaya lang hindi mo naman puwedeng hindi i-expose eh ‘yan na ang era niya. Parang when he goes to school, parang wala siyang alam sa technology while everyone is using iPad.

“As a matter of fact, parang tinantanggal na nila ang books and papers bilang kapalit. So how can you not naman expose him? Parang kawawa rin naman.

“But what we are trying to do now is limit the usage. Not everyday. Like Mondays to Fridays, he cannot. Friday after school, he can and then, Saturday and Sunday rin. Sunday afternoon lang kasi may pasok ng Monday.

“And then, he doesn’t have his own. I told him that he will have his phone and iPad when he’s 35! Ha! Ha! Ha!

“So for now, he borrows mine. Kasi parang ayokong because it’s mine, hindi ko na makontrol. So alam niyang, ‘That’s not yours. That’s mommy’s. You are only borrowing.’ So I want him to know that he’s only borrowing.

“I mean for now, ‘yun ang tina-try namin. Kasi ang hirap naman nu’ng parang 24/7 na silang nasa iPad. Ang hirap! Although nauna sa aming maglaro siya sa iPad, nauna kasi siyang naglaro kesa sa iPad, ahh, I don’t even have to tell him. He gets tired of it. He drops it and then he plays. Which is good. Tapos pag nainip siya, go back to iPad, papa-charge niya, gets back, and then, he asks, ‘Mommy can you play with me?’ Lagi siyang ganyan.

“Parang nai-excite siya sa iPad pero I think, what he likes is being with me and daddy. Just being there. Mas gusto niya ‘yon, I think. Time lang naman talaga eh,” paliwanag ni Regine.

Pagdating naman sa career niya, bakasyon muna siya sa teleserye at inaayos na ang isang musical variety show niya sa primetime. Sa asawa namang si Ogie Alcasid, extended daw ang contract nito sa TV 5 at hindi niya alam kung pipirma ang asawa sa Kapatid Network.