Una sa Balita

I KNOW BETTER!: Nathalie, umiwas sa ‘junjun’ nina Luis at Joem!

0 114
Nathalie Hart
Nathalie Hart

Nahihiyang tingnan ni Nathalie Hart ang hubad na katawan nina Luis Alandy at Joem Bascon na nakalampungan niya sa launching film niyang Siphayo. Tumi­tingin na lang daw siya sa itaas kapag hubo na ang dalawa.

“Siyempre I’m single now but when I had a boyfriend before, siyempre, titingnan ko talaga! May hiyaan factor pa nga ‘pag may boyfriend ka o wala. Paano na kaya ‘yung katrabaho mo lang and you have no relationship with? Mas awkward siguro ‘yung situation,” say ni Nathalie sa pinatawag na pocket interview ng manager niyang si Leo Dominguez.

Isa si Luis sa tatlong nakalampu­ngan ni Nathalie sa mo­vie. Kinabahan at pinawisan daw ang aktor bago kunan ang eksena. Eh hindi naman daw nakalabas ‘yung junjun ni Luis kaya wala siyang nakita.

“Pero may scene ako na masa-sight ‘yung gilid (ng kipay niya). That time? I had plaster all the time. Ako ang naglagay sa akin. Hindi ko alam kung sino naglagay sa kanila! Ha! Ha! Ha!” sey niya.

Ang ginawa niya sa Siphayo ang boldest na niyang nagawa.

Luis Alandy
Luis Alandy

“But I don’t wanna say it’s an old movie because it has a story itself. I think direk Joel would not accept a project just to show your body,” rason niya.

Umiyak si Nathalie nang gawin ang love scene sa movie dahil first time niyang sumabak sa ganoong eksena. Pero sa mga iba pang gina­wang movies na may love scene, parang robot na ang paggawa niya.

“I just did my job. There was no more emotion. I was not talking to anyone. I just did my job. Feeling ko, hindi naman attitude. I’m just being professional lang siguro,” katwiran ni Nathalie.

‘Patintero’, pelikula na!

Direk Mhyke at cast ng Patintero
Direk Mhyke at cast ng Patintero

Showing na ngayon ang pambatang movie na Patin­tero: Ang Alamat ni Meng Patalo na showing din ngayon. Mula ito sa producer ng Hene­ral Luna, ang TBA na collaboration ng Tuko Film Productions, Inc., Buchi Boy Entertainment at Artikulo Uno.

Gawa ito ng baguhang director na si Mhyk Vergara na hinaluan ng animation lalo na sa highlights ng movie.

“Halo siya ng live sa background,” sabi ng director.

Pangarap din niyang gumawa ng rom-com movie at sina Liza Soberano at Enrique Gil ang type niyang bida. Pero nais niyang lagyan ng sports na background ang kuwento.

Sa unang subok ni Vergara, tinulu­ngan siya ng mga kaibigang directors na sina Dan Villegas, Antoinette Jaodane at Bb. Joyce Bernal. Bida bilang Meng ang baguhang bata na si Nafa Hilario Cruz na sinindak niya sa audition pero hindi umurong sa kanya kaya ito ang pinagbida niya kasama ang ilang baguhang child stars except kay Len Len Frial na nakagawa na ng series sa GMA.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy