Una sa Balita

I KNOW BETTER: Medyo tibo na young actress, at actor na kapos sa kaguwapuhan, walang chemistry!

By
0 3

Napapansin na ang matigas na pagkilos ng isang young actress. May tsismis kasing tibo siya kaya walang pinapatos na leading man.

Eh sa bagong proyekto ng young actress, lu­malabas na useless din ang pakikipagpareha niya sa isang mas matanda sa kanyang aktor. Walang lumalabas na chemistry sa kanilang dalawa kaya pilit na pilit ang drumbeaters ng show na i-link sila.

Kapos din naman daw sa kaguwapuhan ang aktor. So hindi mailabas ang chemistry sa pagtatambal nila ng young actress, huh!

Hayden, useless ang paandar kay Scarlet!

Ginawa na raw private ang social media account ni Scarlett Snow, anak nina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho upang maprotektahan daw ang bata.

Pero sa posts ni Hayden sa Instagram account niya, may pics pa silang magkasama ng anak niya. Parang balewala rin ‘yung ginawa niyang private ang account ng anak.

Kung bakit naman kasi ke bata-bata ng anak eh may social media account na, huh! Knows na ba ni Scarlett ang social media?

Useless ang ganyang announcement kung ibinabalandra pa rin nila ang picture ng anak sa social media accounts nila, huh!

John Arcilla, ngarag sa Encantadia!

Keber ni John Arcilla kung mangarag at masagad ang katawan niya sa taping ng Encantadia. Sulit naman daw ang ka­paguran niya kapag nakikita ang resulta ng ta­p­ings niya.

“Kung alam lang nila ang ginagawa namin. Well may pagod pero hindi eh. Kasi ang sarap-sarap dahil fulfilled ka dun sa pinagpapaguran mo,” rason ni John.

Ang role ni Hagorn ang role ni John sa telefantasya ng GMA. Ito rin ang pinakamalaki niyang project sa GMA dahil ‘yung una niyang That’s My Amboy eh minani lang niya dahil magaan lang ang papel niya.