Una sa Balita

I KNOW BETTER!: Lovi Poe, na-challenge magbenta ng virginity!

By
Lovi Poe at Derek Ramsay
0 10

Instant fan ng isa’t isa sina Derek Ramsay at Lovi Poe. Sa kanilang Instagram posts matapos ang shooting nila ng Regal movie na The Escort, nagpahayag sila ng mutual admiration after ng last day shoot.

“Another one for the books!! We finally finished shooting “The Escort” yesterday. It was a great experience to work with you @poevirginia. I now know why so many people say such good things about you. Stay taba! See you soon!! #thescort,” post ni Derek.

“What a great experience working with you @ramsayderek11!! I’m officially fan of how you as a person. Hope this is not our last project together!! See you soon Pierre Tartufo!” post naman ni Lovi.

Sa pelikula, kapwa natikman nina Derek at Christopher de Leon si Lovi. Eh, wala namang keber sa mga ganitong eksena ang Premiere Actress ng Kapuso Network lalo na nga’t mapaghamon din ang kanyang papel na nagbebenta ng “virgi­nity,” huh!

Ayon naman sa paha­yag ng director ng movie na si Enzo Williams, intense ang natapos niyang movie sa Regal matapos niyang gawin ang historical film na Bonifacio, Ang Unang Pangulo.

Mother Lily, nag-melt ang puso dahil kina Susan at Grace!

Mother Lily
Mother Lily

Dama pa rin ang saya kay Mother Lily sa katatapos niyang 77th birthday. Kumbaga, she’s all over the newspapers and TV shows dahil sa bongga niyang regalo sa entertainment press.

Pero nakadagdag-kasiyahan din ang presence ng mag-inang Susan Roces at Sen. Grace Poe nu’ng gabing ‘yon.

“My heart melt when Susan and Grace went to my party. I really, really love them!” sabi ni Mother Lily sa amin.

Mata­tandaang nu’ng nakaraang elek­syon, binigyan ng kulay ang pagdalo ng Regal matriarch sa proclamation ng tumakbong presidente na si Mar Roxas. But Mother remained quiet sa issue.

Eh ngayong tapos na ang eleksyon at si President Rody Duterte na ang nahalal, time to move on and back to reality na ang lahat. Kaya si Mother, todo ang pasasalamat sa mag-ina sa pagdalo sa birthday niya.

Last Tuesday, binisita naman ni Mother sina Senators Bong Revilla, Jr. at Jinggoy Estrada na malapit sa puso niya.

P-Duterte sa Sunday Pinasaya, bongga pag natuloy!

Advance 1st anniversary gift ang tinanggap ng GMA’s Sunday Pinasaya nang sila ang tanghalin ng PEP Editor’s bilang Comedy Show of the Year sa katatapos na The PEP List 3. Matapos ang isang taon nang baguhin ang Sunday viewing habit ng manonood, agad ang programa at hosts ng natatanging recognition dahil sa pagpapasaya tuwing tanghali.

Eh, ang isa sa mainstays na si Wally Bayola ay tinanghal ding Comedy Star of the Year (Male) kaya doble ang saya ng staff and stars ng show.

Next Sunday, September 4 ang first part ng anniversary ng SP. Uuwi si Jerald Napoles galing sa shooting sa New Zealand upang makibahagi sa selebrasyon ng programa. Kahapon nang gabi ginawa ang press conference ng anibersaryo and will keep you posted sa venue at kung anu-ano ang aabangan ng manonood.

Bongga kung makumumbinse nilang mag-guest sa anibersaryo nang sabay ang totoong President Digong at General Bato de la Rosa,

huh! Ang PNP Chief ang na­ging guests kamakailan sa programa.