Una sa Balita

I Know Better!: Lovi Poe, handang magbenta ng ‘puri’!

By
0 238

Ellen, tumangging magbenta ng ‘laman’!

It’s back to work for Lovi Poe matapos niyang dumalo ng kasal ni Solenn Heussaff sa France at um-aura-aura sa ilang bansa sa Europe bilang bakasyon.

Bago bumalik ng bansa, tumuloy muna ang Kapuso actress sa Dubai upang dumalo sa 118th Philippine Independence Day Celebration.

Sa kanyang pagbabalik sa bansa, sasalang si Lovi sa Regal movie na The Escort. Maganda pala ang role niya rito na isang babaeng ipinagbibili ang kanyang virginity at si Christopher de Leon naman ang bibili nito.

Keber ni Lovi kung second choice lang siya sa movie. Unang inalok ang role kay Ellen Adarna pero tinanggihan dahil may previous commitments siya. So Ellen’s loss is Lovi’s gain, huh!

Ang bongga sa project, hindi lang si Christopher ang co-stars ni Lovi. Makakapareha rin niya ang hunk actor na si Derek Ramsay.  Marami kayang aktres na gustong makaromansa si Derek, huh! Join din sa cast sina Jean Garcia at Rommel Padilla.

First directorial job ni Enzo Williams sa Regal ang The Escort. Siya ang nagdirek ng Bonifacio Ang Unang Pangulo sa 2014 Metro Manila Film Festival.

IG ni Sarah L., ninakaw!
“Hacker, malungkot ka ba o bored sa buhay mo?” — Sarah

Nagpasaklolo si Sarah Lah­bati dahil na-hacked ang kanyang Instagram account. Isang @worldenrie ang username na gumamit nito na inilantad ng aktres sa Twitter account niya.

To the rescue naman ang Ate Ruffa Gutierrez niya nang tumulong i-tweet ang hacking sa IG account ng sister in law.

“Omg! @SarahLahbati’s Instagram account got hacked!!! Please report her account to IG ASAP. What do we doo???” tweet ni Ruffa.

Pinost din ni Sarah sa Twitter niya na wala na siyang makitang account sa IG niya. “Sorry we could not find any matching account” ang nakalagay roon.

Sa kasunod na tweet niya, “The hacker now changed my account’s name to @zemhano. Pls. stop. What do you gain from doing this? Malungkot ka ba o bored sa buhay mo.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More