Una sa Balita

I Know Better!: Kiray, super-sagpang kay Enchong!

By
Kiray Celis at Enchong Dee
0 7

Inihambing ni Enchong Dee si Kiray Celis kina Maja Salvador, Erich Gonzales at Kim Chui na kanyang nakapareha sa TV at pelikula. Sina Enchong at Kiray ang magkatambal sa pamatay na horror movie ng taon, ang I Love You To Death ng Regal Entertainment, Inc.

“Basically she’s an actress!” pahayag ni Chong sa bagong kapareha.

Alam ng aktor na tumiba sa takilya ang huling movie ni Kiray an Love Is Blind. Kaya naman tumodo rin siya sa mga eksena nila ni Kiray dahil baka hindi siya mapansin kung mag-a-under perform siya.

Kaya si Enchong, go lang nang go sa ipagawa sa kanya ng director na si Miko Livelo. Wala siyang kiyeme sa pagpapakita ng katawan, halikan si Kiray at makipaglandian sa kanya.

Eh, hindi naman choosy si Kiray so sagpang lang siya nang sagpang kay Enchong kapag inuutos ng director, huh!

Janine, wala pang gamit sa condo!

Wala pang ma­­­­­­­­­s­yadong gamit sa tinitirhang condo si Janine Gutierrez. Natutuwa naman siya sa pamumuhay na mag-isa lalo na nga’t meron na siyang sariling kuwarto.

Sa bahay kasi nila kasama ang inang si Lotlot, kasama niya sa kuwarto ang kapatid niyang si Maxine.

“Saka ‘yung kama ko roon, ‘yung pinakamaliit eversince. Ngayon mas malaki na ang higaan ko! Ha! Ha! Ha!’ bulalas ni Janine nang bisitahin ng press sa taping ng Once Again.

May nabuong friendship kina Janine at Aljur Abrenica na kapareha niya sa GMA series. ‘Yun nga lang, kahit malapit na sila sa isa’t isa, takot pa rin ang Kapuso actress na makipaghalikan sa leading man.

After Elmo Magalona na screen partner niya noon bago lumipat sa ibang network, kay Aljur lang nakatikim ng second screen kiss.